Welcome to Exalted's World. Be nice here. Thank you. +Follow | Dashboard
naEXALTEDdre?




Ang Pagkakaibigan
Linggo, Hunyo 10, 2012 | 7:03 AM | 0 comments


Listen to this song while reading this STORY :) Ulit-ulitin niyo song. Mas Mafi-feel niyo yung story pag may back ground song <3

------------------------------------------

Ang buhay ng tao, minsan di naten alam kung hanggang kailan na lang. Hindi naten alam kung magigising pa tayo pag tulog naten. May mga nagsasabing ang buhay naten ay hiram lang sa panginoon, kaya hindi naten alam kung kailan niya ito kukunin sa atin. Kaya habang may pagkakataon pa tayo at habang nasa atin pa ang hiram na buhay, gawin na naten ang lahat ng dapat gawin. Kung baga LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST! para sa bandang huli wala tayong pagsisisihan.

Tulad ng kwento ng Isang Binatilyo.

May isang binatilyong magsimula ng pagkabata walang hinangad kundi ang magkaroon ng matatawag na TUNAY NA PAMILYA. Marami siyang gustong abuting mga pangarap. Ang buhay niya ay sobrang lungkot, pero hindi ito nahahalata ng iba kase ang pagkakakilala nila dito ay isang MASIYAHIN na tao. Yung tipong kahit may malaking problema na siya eh POSITIVE pa rin lagi ang iniisip.

Ng tumagal ay, nakatagpo siya ng mga KAIBIGANG matatawag niyang isang PAMILYA. Dun niya lang naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng CORE ng isang FAMILY. Lahat ginagawa niya para sa mga KAIBIGAN niya, kung may kailangan sa kanya ang mga kaibigan niya, Go lang siya ng Go. Pag kailangan ng kaibigan niya ng makakausap, lagi siyang nandun para icomfort ito. Madameng nakapansin na nagbago ang Binatilyong ito, Ito ay naging mas MASIYAHIN at nagkaroon ng PANANAW sa buhay. Lahat ng pinapangarap niyang di niya makikita at magagawa sa paglipas ng mga araw, ay unti unti niya na itong naaabot ng dahil sa kaniyang mga kaibigan.

Pag lipas ng mga ARAW, biglang napansin ng binatilyong ito na may mali sa SARILI niya. Laging sumasakit ang Ulo at dumidilim ang paningin. Kaya naisipan nitong magpatingin sa Hospital kasama ang mahal niyang ina. Makalipas ang sandaling pagpapasuri sa isang Doctor, Dun niya nalaman na siya ay may malubhang karamdaman. Ng dahil sa nalaman nilang ito, Di mapigilan ng Nanay niya ang pagbagsak ng luha samantalang ang binatilyo naman ay Nakangiti pa din dahil ayaw niyang makitaan siya ng Kalungkutan at hina ng loob.(hanggang sa paguwi nilay nakangiti pa rin ang binatilyo)

Isang araw, Umiiyak ang binatilyo sa kanyang Kwarto. walang nakakakita sa kanyang pag-iyak, sobrang bigat ng kanyang dinadala. Sobra siyang nalulungkot. Gusto niyang sabihin ito sa mga kaibigan niya dahil alam niyang sila ang makakatulong sa kanya para gumaan ang kanyang nararamdaman, pero ayaw niya, kase ang nasaisip pa rin ng binatilyong ito ay, ang mararamdaman ng kaniyang mga Kaibigan. Ayaw niyang malungkot ang mga kaibigan niya ng dahil lang sa kanya. Kaya ito ay kanyang sinarili na lang. Pero dumating ang araw na hindi niya na nakayanan at ito ay sinabi niya sa isa niyang NAPAKATALIK na kaibigan. Hindi niya alam kung pano niya ito sasabihin, pero paglipas ng sandali ito ay nasabi niya sa kanyang matalik na kaibigan.Habang lumilipas ang mga panahon. Patuloy na sinusuportahan ng kanyang Kaibigan ang binatilyo. Hindi inakala ng Binatilyo na magiging ganun na lang ang mararamdaman ng kanyang Kaibigan dahil sa nabalitaan niya. Kaya sobrang saya ng Binatilyo. Pero sinabihan siya ng kanyang matalik na kaibigan na sabihin na din sa iba ang kanyang karamdaman para matulungan siya, pero ang sabi ng binatilyo ay "Wag muna sa ngayon. alam kong may tamang panahon para diyan.", kaya wala ring nagawa ang matalik niyang kaibigan kundi ang sundin ang gusto ng binatilyo.

(sobrang dameng tumatakbo sa isip niya. iniisip niya. kailan kaya siya matutulog ng mahimbing, iniisip niya magpapahinga kaya siya sa harap ng kanyang mga kaibigan. makakayanan ba niyang iwan ang mga kaibigan niya. dameng gumugulo sa isipan niya. pero wala siyang pinakitang LUNGKOT! siya pa rin ay patuloy na lumalaban)

Iniisip ng Binatilyo, Bakit sa kanya pa nangyare ang lahat ng yun? kung kailan nakakita na siya ng mga kaibigang matuturing niyang PAMILYA at kung kailan malapit niya na maabot ang kanyang mga pangarap, lagi niyang tinatanong si god baket siya pa. Minsan ang binatilyo nawawalan na ng lakas ng loob para lumaban, pero nandun pa rin ang matalik niyang kaibigan para siya ay i-boost na malalagpasan niya din ang lahat ng ito. At lilipas din yun.Ng tumagal ay, unti unting nagpapahiwatig na ang Binatilyo sa iba pa nitong mga kaibigan tungkol sa kanyang karamdaman. Pero hirap siya kase Masakit sa part niyang nakikita ang mga kaibigan niyang nalulungkot. Kaya wala na lang siyang ginagawa kundi JUST GO WITH THE FLOW and maging masaya na lang. Hanggang ngayon siya pa rin ay lumalaban at nananalangin na malalagpasan niya ang lahat ng ito. (kahit alam niya ng malabo ng mangyare yun).

Ng dumating ang araw na pinakaayaw niyang mangyare. Isang araw na maiiwanan niya ang mga kaibigan niya at mahal sa buhay. Isang araw na Huling pagkikita. Isang araw na Maraming mga tao ang luluha. Bago siya tuluyang umalis ay nasa harapan niya ang mga TAONG MAHALAGA sa kanya. walang umiiyak lahat nakangiti. Pero di nagtagal. ang binatilyo ay napaiyak at unti unti ng pumipikit at nagpaalam sa mundong ibabaw....

Nag iwan siya ng isang simple Poem para sa kanyang mga MAHAL SA BUHAY habang binabasa ito ay Bigla ng tumulo ang mga LUHA ng KALUNGKUTAN ng kanyang mga Kaibigan at Pamilya:

I'd like the memory of me to be a happy one.
I'd like to leave an afterglow of smiles when life is done.
I'd like to leave an echo whispering softly down the ways,
of happy times, and laughing times, and bright and sunny days.
I'd like the tears of those who grieve to dry
before the sun of happy memories I leave when life is done.

Pag lipas ng panahon, Isa pa ring bangungot para sa lahat ang nangyare sa Binatilyo. at hindin hindi nila ito makakalimutan...

------------------------------------------

Ng dahil sa mga mga malalang sakit ay NAWAWASAK ANG MGA PANGARAP ng kabataan ngayon. Kung ang datiy napakarami mong pangarap na gustong abutin ay unti unti ng nawawala/nababawasan ng dahil sa karamdaman. ang madaming pangarap ay napunta sa iisang pangarap, at ang pangarap na yun ay ang GUMALING KA at maibalik lahat ng mga PANGARAP na iyong gustong tuparin. <3.

 ------------------------------------------

Tulad ng sabi ko. Leave your life to the fullest :).Rak lang ng Rak guys! Wag naten sayangin ang buhay na ipinahiram sa atin ng panginoon. Dahil may mga taong Gusto pang mabuhay ng matagal diyan pero di na nila magawa. Kaya tayo guys! sulitin na nateng ang buhay naten! :). Wag masyadong mamroblema! Be happy Always. Tulad ng lagi kong sinasabi. SMILE lang :)

------------------------------------------

I am a believer that when you are in heaven you still have some ability to come to those that love you when they call on you. You are not their guardian angel as they've been assigned one at their birth but you can provide that guardian with input every now and then. <3

------------------------------------------

Walang magawa kaya naisipang gumawa ng isang Story. HAHAHA!
ayun lang Share lang XD <3.
Pagpasensyahan niyo na medyo malungkot ang Story. HAHAHA! eh yun ang magandang Topic na naisip ko eh. LOL.

 ------------------------------------------

Yueinnor of Exalted. <3